Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa rin maaaring tuluyang magluwag sa mga ipinatutupad na minimum public health standards.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Talk to the People, inihalimbawa ni Health Secretary Francisco Duque, III ang sinapit ng United Kingdom, Germany, France, Italy at Spain kung saan nararanasan muli ang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Duque ito ay dahil sa nagluwag na sila sa mga ipinatutupad na health protocols gaya ng hindi na pagsusuot ng face mask.
Samantala, sinegundahan din ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y naging apurado masyado ang mga tao sa UK kahit sinasabi na umano ng mga eksperto na nasa hangin pa rin ang COVID-19. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Hya Ludivico