Sobra umanong kakaiba at napakalawak ang naging panawagan ni Interior Secretary Benjur Abalos.
Tugon ito ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa panawagan ni Abalos na mag-resign ang lahat ng PNP generals at coronels sa harap ng pangambang sangkot ang ilang mataas na opisyal sa illegal drug trade.
Ayon kay Pimentel, maaapektuhan ng naturang panawagan kahit na ang mga opisyal na inosente at mahusay ang paggampan ng tungkulin.
Iginiit ng senador na dapat ay case to case basis na lamang ang gawin sa mga police official na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade.
Mas maigi anyang tukuyin, kasuhan at panagutin ang mga opisyal ng PNP na sangkot sa iligal na droga sa ilalim ng conspiracy theory maging ang mga nagpo-protekta sa mga pulis. — Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)