Pinalawig pa hanggang sa katapusan ng buwan ang medical leave ni Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ang naturang hakbang ng kalihim ay sang-ayon sa pasya ng mga doktor ng opisyal.
Paliwanag ni Malaya, payo ng mga doktor kay Año, maghinay-hinay muna sa trabaho at sa halip ay magpahinga at magpalakas muna.
Kasunod nito, mananatiling officer-in-charge si Undersecretary Bernardo Florence.