Pinagpaplanuhan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing araw-araw ang pamamahagi ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisyaryo sa ilang rehiyon sa bansa.
Kasunod ito ng muling pagdagsa ng mga mahihirap na estudyante sa ikalawang bugso ng pamamahagi ng ayuda ng DSWD nitong Sabado.
Ayon sa ahensya, kumpara sa unang bugso ng pamamahagi ng ayuda, mas naging maayos ang pila ng mga estudyante.
Sinabi pa ng DSWD na kanila naring pinag-iisipan na dagdagan ang payout center sa bansa, kung saan idadaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga barangay o paaralan.
Bukod pa diyan, sakaling hindi pa maubos ang isat-kalahating bilyong pisong budget hanggang sa Setyembre a-24, posibleng palawigin pa ang petsa ng pamamahagi ng ayuda.
Aminado ang DSWD na hindi nila naabot ang target na bilang na 90,000 beneficiaries noong Sabado dahil may ilang mga pumila na miyembro umano ng 4Ps na hindi umano kwalipikado sa naturang ayuda.