Kumpiyansa si Malaysian Prime minister Najib Razak na matatapos ang Bangsamoro Peace Process bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III sa June 2016.
Ito ang inihayag ni Razak sa 27th Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na kinabibilangan ng Pilipinas.
Nagbigay-pugay din si Najib sa mga outgoing leader sa pangunguna nina Pangulong Aquino at Myanmar President Thein Sein sa closing ceremony ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Naniniwala rin si Razak na ang Bangsamoro Peace Process ang tatatak sa kasaysayan ng Pilipinas at pinakamalaking pamana ni Pangulong Aquino sa bansa.
Bagaman maraming balakid, pursigod ang Aquino administration na ipasa sa kongreso ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang termino ng Pangulo sa susunod na taon.
By Drew Nacino