Arestado ang isang mag-asawa matapos masabat sa kanila ang halos P800,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Davao City.
Ayon sa hepe ng Toril police station na si Lieutenant Coronel Jed Clamor, nasa watchlist na nila ang mag-asawa na umano’y isang high value target.
Aniya, marami umanong contacts ang mag-asawa at nakuha nila ang impormasyon galing sa mga umanoy customer ng mga ito.
Samantala, itinanggi naman ng mag-asawa na sila ang nag mamay-ari ng nasabat na droga.