Pananagutin ng pamahalaan ang mga LGUs na may masasayang na mga bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Department of Interior and local Government Undersecretary Jonathan Malaya na posibleng maharap sa neglect of duty at misconduct ang mga lokal na opisyal, depende sa sirkumstansiya at resulta ng imbestigasyon.
Sinabi pa ni Malaya na minomonitor din nila ang mga lgu’s sa pamamagitan ng vaccine operations reporting system.
May mga nakatalaga umanong mga field officer sa lahat ng City at Municipal Halls sa buong bansa upang i-monitor ang performance ng LGU’s.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico