Nakalabas na sa kulungan ang aktor na si Kit Thompson nang makapagpiyansa dahil sa pambubugbog sa kanyang dyowa na si Ana Jalandoni.
Sa report ng GMA News, sinaad na bandang alas-5 ng hapon nitong Lunes pinalaya si Kit.
Ayon kay Tanza, Cavite Police chief Lt. Col. Rolando Baula, umabot sa P72,000 ang piyansang binayaran ng aktor.
Kinasuhan si Thompson ng Philippine National Police (PNP) ng paglabag sa Anti-Violence against Women and Children Act.
Ito’y matapos magpa-rescue ang kanyang girlfriend dahil sa pananakit ni Kit habang sila’y nasa isang hotel sa Tagaytay.
Determinado naman si Ana na kasuhan si Kit dahil sa pananakit na ginawa ng kanyang boyfriend. – sa panulat ni Mara Valle