Nakipag-alyansa ang kapatid ni Budget Secretary Florencio Abad ng Liberal Party sa kampo ni Vice President Jejomar Binay.
Kasamang nanumpa sa partido ni Binay na United Nationalist Alliance o UNA ang nakatatandang kapatid ni Abad na si Engineer Nicanor Abad.
Napag-alamang si Engineer Abad ay tatakbo bilang kinatawan ng lone district ng Batanes sa 2016 elections.
Balak umano niyang kalabanin sa posisyon ang asawa ng kaniyang kapatid na si Henedina na kasalukuyang nanunungkulan bilang kongresista ng probinsiya, ang itinuturing na balwalter ni SecretaryAbad.
Samantala bukod naman kay Engr. Abad, nakipag-alyansa rin sa UNA si Batanes Governor Vicente Gato na noong 2013 elections ay tumakbo sa ilalim ng Liberal Party.
Kaugnay nito, sinabi ni Engr. Abad na bukod sa kanila ni Gov. Gato ay mayorya sa mga kasalukuyang opisyal ng Batanes ay nasa oposisyon na.
Gaya aniya ng mga board members at pati ang bise gobernador ng probinsiya.
By Len Aguirre | Allan Francisco