Home NATIONAL NEWS Pilipino, arestado sa Laos dahil sa pagpupuslit ng droga; death penalty, posibleng kaharapin

Kapakanan ng commuting public, sana ikunsidera sa pagdedesisyon sa hirit na P2 jeepney provisional fare hike

by DWIZ 882 February 25, 2025 0 comment
jeep-15

Dapat tiyakin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na maisasaalang-alang  ang kapakanan ng mga commuter sa pagdedesisyon kaugnay sa pagtataas ng pasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Ito ang panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng panawagan na dalawang-pisong taas-pasahe sa jeep.

Ayon kay Senador Gatchalian, bagamat batid ng iilan na  nabibigatan na ang mga jeepney driver at operator sa sunod-sunod taas-presyo ng langis, kailangan pa ring ikonsidera ang kapakanan ng mga pasahero sa hirit na taas-pasahe.

Dagdag pa ng Mambabatas na posible makabawas ang mungkahi ng mga transport group sa panggastos ng mga mahihirap para sa pangunahing  pangangailangan tulad ng pagkain, healthcare, desenteng tirahan, at edukasyon.  –  Sa panulat ni John Riz Calata mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment