Patay ang isang tatlong taong gulang na Pinay Canadian matapos pagsasaksakin umano ng amang Canadian.
Ang biktimang si Jemimah Bundalian ay natagpuang may mga saksak sa buong katawan sa loob ng isang sasakyan at nasa kritikal na kondisyon sa kanilang lugar sa Robertson sa Winnipeg, Canada.
Naisugod sa ospital ang biktima subalit nasawi rin.
Ayon sa report ng Winnipeg Police ang bata ay sapilitang kinuha at tinutukan ng kutsilyo ng amang si Frank Nausigimana mula sa ina nito bago tumakas sakay ng isang kotse.
Si 28 anyos na ama ng batang Pinay-Canadian ay nahaharap sa first degree murder charges.
Tumanggi namang magsalita ang pamilya subalit humihingi ng dasal at tulong sa pamamagitan ng Gofundme campaign para kay Jemimah at pamilya nito.