Language barrier ang isa sa mga challenges na maaaring maranasan ng sinuman, kahit saan man sila magpunta, lalo na sa mga foreign countries. Pero dahil sa inobasyon na ito ng isang Ghanaian-British entrepreneur, hindi mo na kakailanganin pang mangapa at manghula kapag may narinig kang hindi pamilyar na salita.
Kung ano ang product details ng innovation na ito, eto.
Hindi na bago sa pandinig natin ang salitang ‘earbuds’ dahil ito na ang makabagong earphones ngayon. Mas convenient lang ito dahil chargeable na ito at wala ng wire. Kadalasan itong ginagamit para makinig ng music o di naman kaya ay para sumagot ng tawag.
Pero ang earbuds na ito na bunga ng determinasyon ng ghanaian-british entrepreneur na si Danny Manu, nakakapag-translate lang naman ng iba’t ibang mga lengguwahe na tinatawag na Clik.
Sa pamamagitan ng Clik, madali nang makakapag-translate at maiintindihan ng users, real time, ang mahigit apatnapung lengguwahe.
Ini-launch ang Clik noong 2017, at pagkalipas ng apat na taon ay naglabas ang brand ni Danny na Mymanu ng upgraded version nito at tinawag na Clik S. Nitong nakaraang taon naman ay inilabas na sa publiko ang Clik Pro na hindi na kinakailangang gamitan ng cellphone o internet.
Pero bago pa ito maabot ni Manu, makailang beses muna itong na-reject ng mga investor. Ang solusyon ni Danny? Crowdfunding.
Sa pamamagitan nito at ng sarili niyang ipon, sinimulan ni danny na patotohanan ang dati lang isang idea na ngayon ay nakakatulong na sa pagtugon sa language barrier.
Sa ngayon, unti-unti nang nakikilala ang brand na Mymanu partikular na sa United States, sa Asya, at Europe kung saan libu-libong mga produkto na ang naibenta.
Sa mga imbentor at nagnanais na magsimula ng negosyo diyan, huwag kayong mawawalan ng pag-asa at darating din ang tamang oras na kayo naman ang makikilala.