Ipina-deport ng BI o Bureau of Immigration ang isang babaeng Chinese na wanted sa kasong panloloko sa China.
Ayon kay Immigration Port Operations Chief Marc Red Mariñas, kanilang napag-alaman na may standing warrant of arrest ang Chinese national na si Fan Wenxin dahil sa kasong fraud.
Aniya, nadakip si Fan noong Hunyo 10 sa Mactan International Airport matapos na gumamit ng pekeng Vietnamese passport sa ilalim ng pangalang Troung An Lan.
Nabigo rin aniya si Fan, na magpakita ng return flight ticket na kailangan ng mga dayuhang turistang nagtutungo sa bansa.
Matapos na maaresto si Fan ay nakipag-ugnayan ang BI sa konsulado ng China sa Cebu at agad itong na-ipatapon pabalik ng Fuzhou.
By Krista De Dios