Nakumpiska ng Bureau of Customs ang 9 na Milyong Pisong Cash mula sa isang negosyante sa port of Zamboanga sa Zamboanga City.
Sa inisyal na imbestigasyon, patungo umano ng Malaysia ang nagngangalang Isnaji Sadjail Dakulahad na may bitbit na kahon na naglalaman ng limpak limpak na salapi.
Depensa ng suspek, gagamitin niya ang naturang salapi pambili ng noodles
Posibleng maharap si Sadjail sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act.
Batay sa umiiral na batas, 50,000 Piso lamang ang maaaring dalhin ng bawat indibidwal na lalabas ng bansa.
By: Meann Tanbio
Isang negosyante nakumpiskahan ng BOC ng 9M Pesos sa Port of Zamboanga was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882