Haharangin ng PAO o Public Attorney’s Office ang imbestigasyon ng PNP Bulacan kay Dexter Carlos, ang padre de pamilya ng mga biktima ng Bulacan Massacre case.
Tiniyak ni PAO Chief Percida Acosta na ibabato nya ang bigat ng batas sa Bulacan PNP kung ipagpipilitan nilang isalang sa lie detector test si Carlos.
Iginiit ni Acosta na napagtibay naman ng CCTV kung nasaan si Carlos nung gabing maganap ang krimen bukod pa sa imposibleng magawa nya ang karumal dumal na krimen sa kanyang mga anak.
Matatandaan na hindi lamang isa o dalawa kundi napakaraming saksak ang tinamo ng limang kapamilya ni Carlos kabilang ang isang taong gulang nyang anak.
“Kung ang hangad nila ay hindi maayos talagang ibabato natin sakanila ang batas, may batas, may mga desisyon ang Korte Suprema na nagpapahayag kung paano ang tamang pag-imbestiga.”
“Merong pag-aaral ang mga eksperto forensically, scientifically na talagang dapat na maging sistema ng pag-iimbestiga, edi turuan natin sila.”
- Len Aguirre | Balitang Todong Lakas Program (Interview)