Humingi ng pasensya si House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno sa pag-uugnay kay dating Senator at Finance Committee Chairperson Grace Poe sa naging final draft ng 2025 national budget.
Ito’y matapos malaman ni Puno, na hindi pinayagan si Poe na lumahok sa mga deliberasyon ng bicameral conference committee.
Gayunpaman, iginiit ng House leader na dapat magpatuloy ang proseso ng pagtukoy sa pananagutan hinggil sa iregularidad sa National Expenditure Program o NEP.
Palaisipan para sa mambabatas ang mga pagbabagong nangyari sa pagitan ng mga budget bills na inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at ang ipinadala sa Palasyo para pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaang noong 19th Congress, inalis si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, mula sa pagiging chairperson ng House Committee on Appropriations dahil sa isyu ng insertions sa 2025 national budget.