Naglabasan sa selda ang mga naka-detine sa Taguig City Police Station dahil sa sunog kahapon ng tanghali.
Sinabi ni Fire Safety Division Section Chief Inspector Demetrio Sablan na aabot sa 50 naka-detine ang nagtamo ng sugat dahil sa sunog na umabot lang sa unang alarma.
Ilan sa mga bilanggo ang nakahubad nang lumabas ng presinto at may mga tila nahirapang huminga, 27 sa mga ito ay kinailangan dalhin sa ospital ang dahil sa tinamong sugat.
Ayon sa mga otoridad sa selda mismo nagsimula ang sunog, ngunit tinitingnan pa rin ang ibang posibleng pinagmulan ng apoy tulad ng problema sa electrical wiring.
Samantala, agad rin namang idineklarang kiontrolado na ang apoy at sa kasalukuyan ay inilipat na muna sa ibang lugar ang mga naka-detine. – sa panulat ni Mara Valle