Ikinasa na ng korte suprema ang mga panuntunan sa oral arguments bukas, Biyernes kaugnay sa inihaing petisyon sa batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections (BSKE).
Ayon sa High Tribunal, dapat maging limitado ang diskusyon ng petitioner at respondent sa usapin na kung may kapangyarihan ng kongreso na mag kansela ng Barangay elections, kung nagawa ng kongreso na ma-disenfranchise ang voters na paglabag sa karapatan nilang bumoto, kung ang postponement ng Barangay elections ay nakabatay sa Omnibus Election Code of the Philippines.
Sinabi pa ng korte suprema na bukod pa ito sa pagpapaliwanag na posibleng mag resulta sa posibleng legislative appointment sa mga incumbent barangay officials ang pagpapaliban sa BSKE.