Makikiisa ang Philippine Coast Guard (PCG) para masiguro ang kaligtasan ng mga deboto na lalahok sa Traslacion ng poong Nazareno ngayong taon.
Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilio, maglalabas sila ng mga kagamitang kinakailangan para makatulong sa seguridad.
Kasama na rin ang deployment ng mga floating assets, K-9 units, at medical teams.
Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ng PCG para sa Traslacion 2020.