Tila hindi apektado ng mga kontrobersiya ang samahan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Ito ay dahil matapos ang kanilang pinag-usapang Cebu beach trip ay muling namataang magkasama ang dalawa.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Ellen ang isang video clip habang siya’y nakikipag-usap sa isang mall security guard at tinatanong ito sa aso nitong ang pangalan ay ‘John Lloyd’.
Nang galawin ng aktres ang kanyang camera ay nahagip nito si John Lloyd na nakapatong ang ulo sa aso, isang indikasyon na magkasama ang dalawa.
Pinanindigan naman nina Cruz at Adarna na magkaibigan lamang sila.
Sa isang interview ay sinabi ni Ellen na hindi pa sila parehong handa ni JL na pumasok sa isang relasyon.
Nagsimula ang mga ispekulasyong may relasyon ang dalawa matapos na mapasama si Ellen sa weekend sitcom na “Home Sweetie Home” na pinagbibidahan ni John Lloyd.
AR / DWIZ 882