Magpapatupad ng balahasahan ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa susunod na linggo.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng mga isyung kinakaharap ng kagawaran gaya kontrobersiya sa Dengvaxia Vaccines maging ang mga alegasyon ng dating DOH Consultant na si Dr. Francis Cruz na may kurapsyon sa ahensiya.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque the third , kasama sa rigodon ang mga ‘top officials’ ng DOH, kasama na ang mga undersecretaries at assistant secretaries.
Tumanggi naman si Duque na tukuyin ang iba pang rason ng gagawing balasahan.