Buo pa rin ang tiwala ng world renowned musician, songwriter, composer at producer na si David Foster sa kakayahan ni Charice.
Ayon kay David, sa ngayon ay naiintindihan niyang pinagdaraanan ang kanyang alagang si Charice ngunit umaasa ito maayos agad ni Charice ang kanyang mga isyu at problema upang muli silang magkasama sa trabaho.
Matatandaang si David ay naging mentor ng Youtube sensation na si Charice matapos mag-guest ang Pinay kay Oprah Winfrey noong 2009.
Para kay David, iba ang galing ni Charice bilang mang-aawit at excited na siyang muling makatrabaho ito.
Sinabi ni David na di naman kaila sa publiko ang pagiging lesbian ni Charice na ngayo’y may kinakasama nang babae.
By Ralph Obina