Ipinagmalaki ni Chito Miranda ang asawang si Neri dahil sa pagbili nito ng sarili niyang lupa.
Sa kaniyang facebook post ibinunyag ni Parokya ni Edgar frontman na nakabili ang asawa niya ng 6,000 square meter land mula sa kita nito sa kaniyang online businesses tulad ng tuyo, kape, suka, beddings, alahas, pajama at soon ang kaniyang sariling online shop.
Bukod dito ipinabatid ni Chito na nakabenta rin ang kaniyang asawa ng 15 lupa ng walang isang linggo sa pamamagitan lamang ng kaniyang hashtag team wais network para sa resellers at distributors.
Sinabi pa ni Chito na natutuwa siya sa sipag at tiyaga ng kaniyang asawa na talagang mas malaki na ang kinikita sa kaniya at dahil sa nakakatulong din ito sa iba pa na makamit ang kanilang mga pangarap.
Nai-inspire rin aniya siya sa ginagawa ng kaniyang asawa at gusto niyang tapatan ito kaya’t gusto niya ring bumili ng mas malaking lupa.
Sina Chito at Neri ay ikinasal noong 2014 at may isang anak na si Miggy.