Matatanggap na ng mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia ang sahod na hindi pa naibibigay sakanila.
Ito ang siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) kung saan inaasikaso pa ng technical working group ang proseso sa pagkuha ng sahod.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople na wala pa silang timeline sa pagbabayad ng claims ngunit minamadali na nila ito.
Magkakaroon pa kasi ng serye ng consultative meetings mula sa mga opisyal ng Pilipinas at Saudi Arabia sa paglatag ng mga polisiya.
Rashid Locsin
Karagdagang traffic enforcer, nakatakdang i-deploy sa Edsa Bus Carousel sa darating na Christmas season
Nakatakdang mag-deploy ng karagdagang mga traffic enforcer sa Edsa Bus Carousel sa darating na kapaskuhan.
Ayon kay Inter-Agency Council for Traffic Chief Charlie Del Rosario nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magdagdag ng kanilang mga tauhan sa Edsa busway.
Ito’y para aniya masiguro ang kapakanan ng lahat ng mananakay sa mga pampublikong transportasyon.
Kasunod na rin ito ng pag-adjust ng mga malls at shopping center ng kanilang operasyon mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season.
Pinusuan ng libu-libong mga netizen ang video ni Don Amuel Banta sa tiktok mula sa Batangas matapos umawit ang kanyang pamangkin ng “Secret love song” ng little mix.
Sa video maririnig ang labindalawang taong gulang na bata na si ryen sa napaka-husay na pag-awit nito kasabay ng kanyang tiyuhin.
Ilang netizens ang nag-iwan namana ng komento sa naturang video,
“The quality of her voice. ‘yung vibrato nakakanginig, ibang klase din ‘yung hinga sa high keys,”
“Ano bang tubig n’yo diyan baka nakakaganda ng boses” ; “Partida naka-upo pa ‘yan” anila sa video.
Tatanggalin na ng australia ang 3-year ban kay Tennis Star na si Novak Djokovic.
Ito ang kinumpirma ng Australian Immigration Minister Andrew Giles kung saan malaki na ang posibilidad na makapaglaro ito sa Australian open 2023.
Sa ngayon, binawi na ng australia ang kanilang mga requirement para sa mga bisita na magpakita ng proof of vaccination laban sa COVID.
Magugunitang pina-deport si Djokovic ng gobyerno ng Australia dahil sa hindi nito pagpayag na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Dahil dito ay hindi nakapaglaro ang serbian tennis star sa Australian open noong Enero.
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa mga kakalat na pekeng peso bill. Ngayong darating na kapaskuhan.
Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang sinumang mahuhuling gumagamit ng pekeng pera sa anumang transaksyon.
Dagdag ni Fajardo na agad isumbong sa pinakamalapit na police station kung nabiktima o napasahan ng pekeng pera para agad na magawan ng kaukulang aksyon.
Aniya, suriing mabuti ang safety features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number upang maiwasan ang mga modus na ito.
Pinatatakpan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng hukay at butas sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ito’y para matiyak na maayos ang daloy ng mga sasakyan ngayong kapaskuhan at para maiwasan din ang mga aksidente sa lansangan.
Sinabi pa ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes na pinapaayos na rin ng ahensya sa mga contractor ang mga construction material na nakaharang sa mga daan na nagiging dahilan ng mabigat na trapiko.
Una nang sinabi ng MMDA na inaasahang tataas hanggang dalawampung porsiyento ang traffic volume sa kahabaan ng edsa ngayong holiday season.
Kakalat na pekeng peso bill sa darating na holiday season, ibinabala ng PNP
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa mga kakalat na pekeng peso bill ngayong darating na kapaskuhan.
Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang sinumang mahuhuling gumagamit ng pekeng pera sa anumang transaksyon.
Dagdag ni Fajardo na agad isumbong sa pinakamalapit na police station kung nabiktima o napasahan ng pekeng pera para agad na magawan ng kaukulang aksyon.
Aniya, suriing mabuti ang safety features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number upang maiwasan ang mga modus na ito.
Viral sa social media ang isang cute na batang babae kung saan pinagbabawalaan niya ang kanyang ama na uminom ng isang boteng alak.
Batay sa ibinahagi ni Neil Ezekiel Pador sa kanyang facebook account kahit kikunkumbinsi ng ama ang kanyang anak ay ayaw talagang paawat nito.
Makikita pa sa video na tila galit-galitan si baby girl at nagbanta pa ngang itatapon nito ang alak kung hindi titigilan ng ama.
Maraming netizen naman ang napa-good vibes ng video na ito dahil sa asta ni baby girl.
Agad na pinagtibay ng House Committe on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas na magpaparusa sa mga balimbing sa politika.
Mabilis na naaprubahan ang panukala kasunod ng ng ginawang pag-invoke sa House Rule No. 10 section 48, na siyang dahilan ng agaran nitong pagkakapasa sa 3rd reading ng komite.
Nakasaad sa House Bill 488 o strengthening the political party system, otomatikong maaalis sa elective office ang isang public official kung lilipat ito ng partido isang taon matapos o bago ang halalan.
Hindi na rin maaring kumandidato sa eleksyon ang opisyal na ito, at hindi rin pahihintulutang maitalaga sa anumang posisyon sa loob ng tatlong taon.
Maliban dito, mahigpit ding ipagbabawal ang paghawak nila ng posisyon sa lilipatang partido at dapat na maibalik nila ang ginastos o ibinigay sa kanila ng iniwanang partido kabilang na ang 25% surcharge.
Target ng panukala na patatagin ang political party system ng bansa at matuldukan ang pagiging balimbing o paglilipat-lipat ng partido ng isang pulitiko.
Naniniwala naman si dating pangulo at ngayoy’y cong ngunit dahil dito, ang pag-anib ng ilan sa isang political party ay para sa convenience at hindi dahil sa ideological commitment o conviction.
Aprubado na sa ika-3 at huling pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa February 1 ng bawat taon bilang national hijab day at nagbibigay mandato sa pamahalaan na ilunsad ang mga program awareness ukol sa pagsusuot ng hijab ng muslim women.
Inaprubahan ng kamara ang House Bill No. 5693, na nagsisilbing consolidated bill ng HB No’S 1363, 3725 at 5736, na iniakda ng mga miyembro ng Bangsamoro Lawmakers.
Nakapaloob sa panukala ang pagkilala ng estado sa mahalagang papel ng kababaihan sa paglikha ng isang matatag na bansa at ang pangangailangan na masigurong nakasaad sa batas ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan.
Kabilang na ang kalayaang maisagawa at maipakita nang walang diskriminasyon ang kanilang religious profession at paniniwala.
Sakaling maisabatas, hinihikayat ng HB 5693 ang mga muslim women at non muslim women na magsuot ng hijab tuwing sasapit ang unang araw ng pebrero ng bawat taon upang maihayag ang karapatan ng mga kababaihan at ang tradisyon ng mga muslim sa pagsusuot ng hijab.
Una nang naipasa ang National Hijab Day Bill sa 3rd and final reading noong 18th Congress subalit nabigong makalusot sa mataas na kapulungan ng kongreso. - sa ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).