Pinalaya na ng New People’s Army o NPA ang dalawang sundalo na dinukot sa Monkayo, Compostella Valley noong Setyembre 30.
Kinilala ang mga pinakawalang biktima na sina privates first class Niño Alavaro at Marjon Añover.
Itinurn-over ng mga rebelde ang dalawa kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nauna nang inihayag ng npa na kaya nila dinukot sina Alavaro at Añover ay dahil iniimbestigahan nila ito sa posibleng “crimes against humanity” at “counter-revolutionary activities.”
By: Meann Tanbio