Patay ang 2 empleyado ng Provincial Government sa Tabuk City, Kalinga matapos mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa isang Irrigation Canal.
Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang mga biktima na si Gerald Tomas Gagelonia, 36-anyos, isang nurse sa Kalinga Provincial Hospital at driver ng kotse na si Marlon Agnaya, staff ng Provincial Capitol.
Ayon sa isang saksi na si Romeo Vargas Dequeros, may-ari ng bahay malapit sa pinangyarihan ng insidente, nagising siya dahil sa malalakas na tahol ng aso.
Ngunit nang lumabas si Dequeros upang alamin ang sitwasyon ay wala naman siyang nakita.
Kinaumagahan, nakita na lang nito ang isang sasakyang nakalubog sa kanal ng irigasyon.
Agad na tumawag ng mga otoridad si dequeros at dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang dahilan ng aksidente.