Bubuksan na ang 10-storey fully airconditioned public school sa Tondo, Maynila sa susunod na taon.
Ayon sa Local Government Officials, nasa 30% nang tapos ang Rosauro Almario Elementary School na mayroong 227 classrooms, 12 offices, 8 elevators, 2 basketball courts, library, auditorium at gymnasium.
Ayon kay Manila City Engineer Armand Andres, inaasahang matatapos ang nasabing konstruksiyon sa July 2023.