Home NATIONAL NEWS Bilang ng mga pet owner na nagrereklamo hinggil sa insidente ng pagtatapon ng labi ng mga alagang hayop, patuloy na nadadagdagan

Halos 20 patay matapos sagasaan ng truck sa China

by DWIZ 882 January 9, 2023 0 comment
patay

Aabot sa 19 na indibidwal ang nasawi habang 20 naman ang nasugatan matapos silang araruhin ng isang truck sa Jiangxi Province sa China.

Ayon sa mga otoridad, dumadalo ang mga biktima sa isang libing nang mga oras na iyon nang bigla na lamang silang sagasaan ng nasabing truck.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng aksidente ngunit una nang nagbabala ang Nanchang County Traffic Police na nakakaranas ang lugar ng ”foggy weather.”

Nabatid na karaniwan na ang road accidents sa China dahil sa kakulangan sa strict safety controls.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment