Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

P100-M halaga ng pekeng bag, gamot nasabat ng BOC

by DWIZ 882 February 1, 2021 0 comment
BOC CUSTOMS

Pumapalo sa P100-milyon ang halaga ng mga nasabat na pekeng bag at gamot ng Bureau of Customs (BOC).

Nadiskubre ang mga naturang pekeng bag ng Louis Vitton, Gucci at Channel sa ginawang inspeksyon ng mga otoridad sa isang storage facility sa Tondo, Maynila.

Nasabat din ng mga otoridad sa naturang bodega ang mga hindi rehistradong face shields, face masks at pekeng sabon.

Nag-iimbestiga na at gumagawa na ng imbentaryo ang BOC para mabatid kung sino ang responsable sa pagpasok sa bansa ng mga nasabing gamit.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment