Home NATIONAL NEWS Bilang ng mga pet owner na nagrereklamo hinggil sa insidente ng pagtatapon ng labi ng mga alagang hayop, patuloy na nadadagdagan

Peter Laviña nag-resign bilang NIA Chief

by DWIZ 882 March 1, 2017 0 comment
lavinia

Nagbitiw na sa puwesto si National Irrigation Administration Chief Peter Laviña, ang nagsilbing presidential campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinumite ni Laviña ang kanyang resignation letter kahapon, Pebrero 28.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Laviña na nag-resign siya upang hindi madagdagan negatibong pag-atake kay Pangulong Duterte.

Mariin ding itinanggi ni Laviña na tumanggap siya ng pera mula sa mga contractor sa NIA.

Nobyembre ng nakalipas na taon, itinalaga ng Pangulo si Laviña bilang pinuno ng NIA.

lavinia fb post

By  Meann Tanbio 

*Photo: Screengrab from FB

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment