Umapela si Lapu-Lapu City Cebu Mayor Junard “Ahong” sa National Government Pandemic Task Force na ikonsidera ang desisyon sa pagsasailalim sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa lungsod.
Ito’y matapos i-anunsiyo na isasailalim ang lungsod ng Lapu-Lapu at lungsod ng Mandaue sa MECQ simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 habang ang Cebu City at Cebu Province naman ay isinailaim sa General Community Quarantine.
Sa liham na ipinadala kay Interior Secretary Eduardo Año, hinimok ni Chan ang IATF na kung maaaring magkaroon ng “uniform community classification” sa Cebu.
Ayon kay Chan, posibleng magdulot ng kalituhan ang iba’t ibang pagpapatupad ng quarantine restriction at maling impormasyon sa mga protokol na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan.
Ipinabatid rin ni Chan, na wala nang sapat na pondo ang lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ .
Aniya, sa halip na ipatupad ang lockdown, pinangako ng Alkalde na gagawin ang lahat upang mapababa ang kaso at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.