Pinagkalooban ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng alternatibong kabuhayan ang mga magbababoy sa Quezon City na apektado ng African swine fever outbreak.
Ayon kay DA Undersecretary for Agri-Industrialization Cheryl Natividad-Caballero, kabilang sa mga makikinabang sa urban aquaculture project ay ang mga hog growers sa Barangay Bagong Silangan at Barangay Payatas.
Tinatayang 10,000 pieces ng hito at 9,000 pieces ng tilapia fingerlings ang ipinamahagi ng DA sa mga magbababoy matapos gawing fish tanks ang mga dating pig pens ng mga ito.
Magugunitang tiniyak ng isang food security advocacy group na sapat pa ang suplay ng isda para sa mga consumers sa mga susunod na buwan.