Kumpyansa si Senate President Chiz Escudero sa kakayahan at karanasan nina dating Senador Leila De Lima at Atty. Chel Diokno bilang karagdagang mga miyembro ng prosecution team sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ng lider ng senado, kung titingnan ang track record at background nina De Lima at Diokno, tiyak na makakatulong ang mga ito sa kakayahan ng prosekusyon para idipensa ang kaso.
Tiniyak naman ni SP Escudero na magiging maayos at hindi mala-circus ang impeachment trial.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)