Inamin ng World Health Organization (WHO) na wala paring malinaw na pag-aaral o ebidensya na magsasabi kung saan nagmula ang coronavirus disease (COVID-19).
Ito ang binigyang linaw ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe, kasunod ng kumakalat na ispekulasyon kung saan nagmula ang COVID-19.
Aniya, isa sa sinasabing pinagmulan ng virus ang pagkain ng mga Chinese national ng bat soup o sinabawang paniki.
Dagdag pa nito, na ang sakit na MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay isang uri ng virus mula sa hayop na naililipat sa tao.
Gayunman, iginiit ni Abesayinghe na nananatiling teyorya palamang ang mga kumakalat na ispekulasyon, hangga’t hindi napapatunayan ang totoong pinagmulan ng COVID-19.