Inaasahang magpapatuloy ang rotational water interruption sa Metro Manila hanggang sa tag-init sa susunod na taon.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., maaaring lumagpas ngayon ng 200 metro ang antas ng tubig sa Angat dam dahil sa bagyong Ursula ngunit hindi parin ito aabot sa target na 212 meters.
Samantala, humihirit naman ang Maynilad na itaas hanggang 44 cubic meters per second ang alokayson mula sa kasalukuyang 40 cubic meters per second, upang mabawasan ang oras ng water interruption.
Pinapayuhan naman ang publiko na i-handa ang kani-kanilang mga timba upang makapag imbak ng tamang suplay ng tubig para sa darating na tag-init sa susunod na taon.