Pinawi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pangambang foul play at terorismo ang dahilan ng nangyaring sunog sa LRT 2 nitong Miyerkules, Oktubre a-dos.
Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, walang indikasyon na nagkaroon ng foul play o terrorist attack.
Gayunman, nilinaw naman ni Cabrera na marami pa rin silang dapat alamin sa imbestigasyon bago mapalitan ang dalawang nasunog na rectifier.
Ang rectifier ang kumokontrol sa daloy ng 1, 500 volts na kuryente na nagpapatakbo sa mga tren.
Una rito, sinabi ni Cabrera na posibleng abutin ng siyam na buwan bago tuluyang maibalik ang operasyon ng LRT-2 ngunit nilinaw nito na ibabalik naman nila ang operasyon nito sa Lunes, pero para sa walong istasyon lamang o mula Recto hanggang Cubao station.
Sa ngayon, sinabi rin ng opisyal na patuloy silang nakikipag ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa pagkasunog ng naturang rectifier ng tren.