Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat magpakampante ang pamahalaan sa kabila ng pagbaba ng trend ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay kasunod na rin ng ulat ng UP Octa Research Team na nasa 0.87 na lamang umano ang reproduction number ng COVID-19 cases sa bansa.
Ang reproduction number kasi aniya na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang kontrolado na ang transmission ng virus sa komunidad.
Sa kabila nito, iginiit pa rin ng Bise Presidente na patuloy pa ring tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil sa katunayan aniya, pang 19 na ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na tinatayang nasa 339,341.
Aniya, nalampasan pa nga ng Pilipinas ang Turkey na mayroong 332,382 na kaso ng COVID-19.