Pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo ang pulisya na panatilihin ang kapayapaan sa lipunan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Aniya, tungkulin ng mga pulis na tiyaking mas nagtitiwala sa kanila ang publiko kaysa natatakot.
Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal sa ika Apat na anibersaryo ng Center for Police Strategy Management sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Robredo na hindi lang tungkol sa pakikipaglaban ang pagiging mahusay sa trabaho.
Tungkol din ito sa pagpapahusay ng mga institusyong nagpapanitili ng kapayapaan sa bansa.
By: Avee Devierte