Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging puna ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa pangulo, nakakadagdag lamang ito sa pagiging desperado ng mga tao lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Nananawagan naman ang pangulo na huwag sirain ang gobyerno dahil apektado rin nito ang mga mamamayan.
Matatandaang nagtalumpati si Vice President Leni Robredo kahapon kaugnay sa dapat gawin ng pamahalaan para mapanatili ang kumpiyansa ng ekonomiya ng bansa.