Binigyang diin ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi maaaring ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng walang concurrence ng Senado.
Ito ang naging paglilinaw ni Sereno matapos na ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang pagkalas ng bansa sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Sereno, hindi puwedeng Pangulo lamang ang magdesisyon sa pagkalas ng bansa sa isang tratado dahil kailangan muna ng basbas ng Senado bago ito ibasura ng bansa ang anumang ‘treaty’ ng Pilipinas sa anumang bansa.
Matatandaang, una nang tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na nakatakdang magsumite ang Senado ng petisyon sa Korte Suprema para linawin ang naturang usapin.