Pumalo na sa pinakamataas na antas ang utang ng Pilipinas sa unang buwan ng kasalukuyang taon.
Ayon sa BTR o Bureau of Treasury, umakyat na sa 7.49 trillion pesos ang outstanding debt ng pamahalaan nitong buwan ng Enero.
Batay sa ulat ng BTR, ito ay mas mataas ng 2.8% kumpara sa 7.29 trilyong pisong nairehistro nitong katapusan ng 2018.
Paliwanag ng BTR, ito ay bunga ng lumalaking foreign at domestic loans.