Dalawang beses nang nanguna sa licensure exam ang graduate ng University of the Philippines – Manila na si Jomel Garcia Lapides.
Si Lapides ay top notcher mula sa 3,500 examinees na pumasa sa 2020 Physician Licensure Exam nitong Nobyembre na nakapagtala ng 88.67%.
Matatandaang una nang naging top notcher si Lapides sa Nurses Licensure Exam noong Hulyo 2011 sa iskor na 88.40%.
Bukod kay Lapides, nasa ika-limang pwesto naman ng phycisian licensure exam si Tiffany Uy na graduate din ng UP Manila.
Nakilala si uy nang magtapos itong Summa CumLaude sa UP noong 2015 na may general weighted average na 1.004 na pinakamataas na marka sa kasaysayan ng up Diliman simula noong World War 2.
Kabilang rin sa mga nakapasa sa licensure exam ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia at ang anak na lalaki ni dating National Task Force against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon na si Jolo.
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang Palasyo sa lahat ng nakapasa sa physician licensure exam maging sa anak ng bise presidente na si Tricia.