Pasok ang 14 na Unibersidad sa Pilipinas sa listahan ng best Higher Education Institutions (HEI) sa buong asya ng think tank na Quacquarelli Sysmonds para sa university rankings sa susunod na taon.
Ayon kay Commission On Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera, 7 unibersidad na mula sa bansa ang unang nakapasok sa naturang listahan para sa taong 2020.
Nadagdagan pa aniya ito ng 7 pamantasan mula sa bansa na nakapasok sa top 650 universities sa asya 2021 ranking, at ito’y ang mga sumusunod:
- University of the Philippines (69)
- Ateneo De Manila University (135)
- De La Salle University (166)
- University of Santo Tomas (186)
- University of San Carlos (451-500)
- Ateneo De Davao University (501-550)
- Mapua University (501-550)
- Silliman University (501-550)
- Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (551-600)
- Adamson University (601+)
- Central Luzon State University (601+)
- Central Mindanao University (601+)
- Central Philippine University (601+)
- Xavier University (601+)
Dagdag pa ni De Vera, ang pagkilala na ibinigay sa ilang mga unibersidad sa bansa bilang pinaka-mahusay sa asya ay nagpapatunay lamang ng kanilang pagsisikap sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon.