Nakamit ng mayorya ng mga mag-aaral sa bansa ang itinakdang performancce ng Department of Education (DEPED), sa kabila ng pag-iral ng distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, ito ay batay sa natanggap nilang datos mula sa mga regional directors kung saan lumalabas nga na matagumpay ang first quarter ng distance learning.
Gayunman, bagamat maganda aniya ang resulta ay marami pa rin umanong mag-aaral ang bigong makapagpasa ng mga itinakdang requirements dahil sa problema sa internet.
Samantala, hinihimok naman ni Senator Sherwin Gatchalian ng DEPED na pabilisin ang pamimigay ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, dahil marami umanong mag-aaral ang matagal nang naghihintay ng tulong pinansyal pagdating sa kanilang pangangailangan sa edukasyon.