Naitala sa Spain ang kauna-unahang domestic case ng chikungunya matapos tamaan ang 63-taong gulang na lalaki sa Valencia.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control, posibleng na-infect ng virus ang naturang lalake sa gandia.
Ang chikungunya ay kalimitang matatagpuan sa Africa at Asi na ipinakakalat ng dalawang species ng lamok ngunit di naman nakamamatay.
Gayunman, maaari itong makapagdulot ng lagnat, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan na tumatagal ng halos isang buwan.
Matatandaang noong nakaraang taon, 266 ang naitalang kaso ng chikungunya sa Spain ngunit ang lahat ng ito ay hindi domestic.
By Ralph Obina