Dinipensahan ni Overseas Workers Welfare Association (OWWA) administrator Hans Cacdac si OWWA deputy administrator Mocha Uson dahil sa umano’y paglabag nito sa quarantine protocols.
Ito ay matapos na umani ng batikos si Uson matapos umano nitong pamunuan ang pagtitipon-tipon ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Batangas, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng pamahalaan sa anumang uri ng mass gathering.
Ayon kay Cacdac, walang katotohanan ang mga akusasyon laban kay Uson dahil nadatnan na lamang aniya nito ang mga tao sa nasabing lugar.
Sa katunayan aniya ay inatasan niya si Uson na mag tungo sa barangay Matabungkay upang paalalahanan ang mga OFWs na nagtitipon sa lugar hinggil sa mga umiiral na quarantine protocols sa bansa.