Muling inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin na tumungo sa Pilipinas.
Ito ay para mapalakas at mapalalim pa ang kooperasyon sa pagitan ng 2 bansa.
Sa isinagawang video conference nina Pangulong Duterte at bagong Russian Ambassador to the Philippines na si Marat Pavlov, sinabi ni Pangulong Duterte na ikinokonsidera ng Pilipinas ang Russia bilang “good friend at partner”.
Sa katunayan aniya ay ika-45 taong anibersaryo na ng diplomatikong ugnayan ng 2 bansa sa susunod na taon, kung kaya’t ginagamit na ng Pangulo ang oportunidad na ito para imbitahan si Putin na pumunta ng Pilipinas.
Ang nagpapatibay naman umano sa relasyon ng Pilipinas at Russia ay ang kooperasyon nito sa defense, security, health, science, technology, at maging sa ekonomiya.