Nanawagan ng patas at lantarang paglilitis si United States Democrat Senator Patrick Leahy para kay Senator Leila de Lima.
Ito ang naging tugon ng U.S. senator matapos na bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika kung saan ipinag utos nito na kailangan na ng lahat ng U.S. citizens ng visa para makapasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Leahy, imbes na obligahin ng pamahalaan ang mga mamamayan ng Estados Unidos na mag-apply ng visa, mas makabubuti kung bibigyan na lamang ng gobyerno si De Lima ng pagkakataon para sa ‘fair’ at ‘public’ trial.
Matatandaang, si Leahy at ang kapwa nito democrat senator na si Richard Durbin ang may akda ng probisyong nagba-ban sa lahat ng opisyal ng gobyerno at personalidad na may kinalaman sa pagkaka-kulong ni De Lima.
Samantala, inatasan na naman ni Pangulong Duterte ang Bureau of Immigration (BI) na harangin ang dalawang nabanggit na U.S. senators sakaling magtutungo ito sa Pilipinas.