Nagpasalamat si US President Donald Trump sa Pilipinas matapos kumalas ang bansa sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Trump, hindi sila naaapektuhan sa ginawang pagkalas ng Pilipinas dahil mas makakapagtabi sila ng mas maraming dolyar.
Aniya, iba ang kanyang pananaw sa naging pananaw ni US Defense Secretary Mark Esper na unang nagsabi na maling desisyon ang ginawa ng Pilipinas.
Magugunitang, ang VFA ay naging kasunduan ng Manila at Washington noong taong 1998, kung saan ay ikakaloob ng Estados Unidos ang military assistance at financial grants sa Pilipinas.