Dismayado si US President Donald Trump sa naging kasunduan ng Congressional negotiators hinggil sa kaniyang panukalang magtayo ng border wall.
Ito ay matapos hindi pondohan ng Democrats at Republicans ang kaniyang border wall project, kung saan ipinapanukala ng US president ang pagtatayo ng pader sa border ng Estados Unidos at Mexico.
Kaugnay nito sinabi naman ni trump na may mga nakahanda siyang ibang mga paraan upang maisakatuparan ang pag-pondo ng kaniyang border wall.
Samantala, tiniyak naman ni Trump na hindi na mauulit ang naganap na government shutdown kahit na hindi siya kuntento sa napagkasunduan ng Democrats at Republicans.